“Feeling ko magpupuyat na naman ako.”  

            “Walang akong maisip na topic na pwedeng isulat.”

            “Deadline na bukas ng project, pero andito pa rin ako may writer’s block.”

            “Time na?! Walang pa akong nasusulat!”

            Maraming nagagawa sa isipan ang stress. Itutulak nito ang tao sa paggawa ng mga bagay na hindi nakabubuti para sa kanya. Nagsisimula ito sa palaging pagiging pagod, pagdududa sa sarili, pagiging emosyonal at pagkawala ng gana sa mga bagay na ibig niyang ginagawa dati. Problema ito ngayon sa ating lipunan, sapagkat ang mga pag-asa ng bayan ay unti-unting kinakain ng kalungkutan. At ang kalungkutan nila ay unti-unting nabubuo bilang depresyon.

Madalas nitong naaapektuhan ang mga batang journalist kaya paunti-unti silang nalalayo sa kanilang hilig– ang pagsusulat, pagguhit, pagkuha ng litrato, at pagbabalita. Sila ay natatakot na hindi nila maabot ang mga inaasahan ng mga tao sa palibot nila. Narito ang tatlong payo upang kayanin ang epekto ng hindi maiiwasang stress:

  1. Stay positive. Kung ikaw ay sasabak sa isang kompetisyon, interbyu o pagsusulit, siguraduhing magkaroon ng sapat na insayo at pag-aaral. ‘Wag mawawalan ng pag-asa at huwag pangunahan ang mga bagay-bagay. Magdasal at magtiwala sa Panginoong Diyos dahil mayroon siyang mas magandang plano para sa bawat isa.

2. Inhale-exhale. Gawin ito upang marelax ang ating katawan. Kung maaari ay magkaroon at sanayin ang sarili sa isangbreathing exercise. Madalas na nakalilimutan ng mga tao ang paghinga kapagkinakabahan o nasistress, kaya palaging isaisip ang paglanghap ng hangin.

3. Magmeditate. Mahalaga ang pagkakaroon ng sampung minutong ‘me time’ araw-araw upang mapangalagaan ang sarili. Maaaring maghanap ng mga meditation guide sa ‘Youtube’ upang magkaroon ng gabay sa pagpapakalma sa sarili. Maaari rin idownload ang application na ‘Headspace’ sa iyong cellphone upang makinig sa mga musikang pampakalma.

Ang stress ay isang tunay na hamon lalo na sa mga nagtatrabaho at nag-aaral. Dapat na malaman ng bawat isa kung paano sugpuin ang istres, sapagkat hindi pare-pareho ang mga hakbang o paraan sa kung paano nila ito madadaig. Ito ang nagpapahubog sa atin bilang tao, at pinapatibay nito ang ating loob para sa susunod na mga pagsubok. Mas marami tayong matututunan at mararanasan nang dahil sa stress. Salamat stress!

Leave a comment