Binigyang-diin ni Brigada Video Journalist Michael De La Tore ang katangiang dapat taglayin ng isang campus journalist, sa isang interbyu sa Regional Schools Press Conference noong Nobyembre 21, sa Dadiangas South Central Elementary School.

Sinabi niya na mas magandang taglayin ng campus journalist ang mabuting karakter. Ayon sa kaniya ay natuturo na lamang ang skills.

Ngayon, nakakadismaya na mayroon pa ring mga kabataan ang may hindi kaaya-aya na pag-uugali. Ito ay dahil sa pagkibit-balikat ng ibang paaralan sa tamang pagtuturo at implementasyon ng Character-based Education.

Ayon sa pag-aaral,dahil sa paglabas ng makabagong teknolohiya at paglawak ng kaalaman ay hindimaiwasan na maimpluwensyahan ang pag-uugali ng mga kabataan. Madalas ay nagiging mapagmataas ang isang kabataan, lalo na sa kanyang mga nakatatandadahil sa mga pag-iisip niya na marami na siyang nalalaman. Ngunit, hindi dahil sa paglawak ng kanilang pagkaunawa ay payagan na lamang ng isang kabataan namaalis ang kanyang paggalang.

Noong 1900 ay unang naipatupad ang Character-Based Education. Ngayong 2000 lamang ito muling binuhay dahil sa lubos itong kailangan sa globalisasyon.

Gawin nang mandatory ang wastong pagtuturo ng Character-based Education. Isa lamang ito sa mga paraan upang sa paaralan pa lamang ay maayos na ang deperensya ng bata sa karakter.

Mula’t mula pa aylubhang mas mahalaga pa rin ang mabuting pag-uugali kaysa sa sobra-sobrangkaalaman. Tiyak na pipiliin pa rin ng mga employers ang mababait at madalingturuan kaysa matalino naman ngunit ayaw naman maturuan.

May mga instansya na hindi binibigyang pansin ang pagtuturo ng Character Education. Katulad ng iba pang mga asignatura sa paaralan ay dapat mariiin ding binabantayan ang pagtuturo ng Character Education. Hindi dahil sa menoryang subheto lamang ang Character Education ay hindi dapat ito isinasawalang-bahala at dapat maayos na ituro sa bawat mag-aaral.

Ang Character-based Education ay katulad din ng ibang mga asignatura sa paaralan nalubhang napakahalagang ituro. Dapat ay makapagsagawa rin ng mga programa angDepEd upang matulungang maging mabuti ang mga mag-aaral, hindi lamang sa talinokundi pati na rin sa values.

“Kapag may karakter ka, hindi ka self-centered, at open ka for opinions and criticisms,”dagdag pa ni De La Tore sa kaniyang pagtatapos.

Leave a comment