Puso sa puso

“Nowadays, uso na man gud karun ang mga blog, easy na masyado ang mag-create ng mga blog, so are the thoughts na misleading sa mga tao. Kaya dapat lumapit kayo sa mga right people at right agencies para ma avoid itong fake news.”

Ito ang mga saloobin ni Brigada News Video Journalist, Michael De La Tore, nang tanungin ng mga batang manunulat tungkol sa isyu ng fake news, sa kasagsagan ng Regional Schools Press Conference na naganap noong Nobyembre 21.

“Bilang mga campus journalists ay bahagi na kayo ng midya. I-spread natin sa public, ang dili siya misleading na mga news,” sabi pa ni De La Tore.

Una sa lahat, itinuturing bilang isa sa pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan ang midya. Ibig sabihin, pinapaniwalaan ng karamihan sa mga tao ang anumang natatanggap niya sa midya. Sa tuwing kumakalat ang mga fake news sa pamamagitan ng midya, nababahagi sa mga tao ang maling mga impormasyon. Ang pagkalito ng mga tao ang siyang pinakalayunin ng fake news.

Halimbawa, sa isang pagpatay, naibalita ng midya ang maling suspek. Ilagay natin na sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa ang naturang suspek na ito. Doon pa lang ay magkakaroon na ng hindi pagkakaintindihan. Magdudulot ito ng pagkalito, at ang mangyayari pa ay maaaring maisusuko ng mga tao ang maling suspek. Mahalaga ang tungkulin ng midya na maibalita ang tama at wastong balita sa tao upang manataling may alam ang lipunan sa kung ano ang tunay na nangyayari.

Sabi pa ni De La Tore, mahalaga ang transparency sa midya. Tungkulin ng isang campus journalist, ang maging transparent sa lahat ng oras.

Dapat manindigan ang campus journalist sa kung ano ang tama. Kung maaari, paulit-ulit niyang siguraduhin na ang ibibigay niyang impormasyon ay hindi magdudulot ng kapahamakan. Binigyan siya ng awtoridad upang maglahad ng tama at totoong balita. Maaabot niya lamang ito kung lalapit siya sa mga tamang tao. Ang responsibilidad na ito ay hindi niya dapat na balewalain.

Leave a comment